MMDA, muling nagsagawa ng ‘Operation Lambat’ sa EDSA Bus Carousel sa Pasay City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagsagawa ng ‘Operation Lambat’ ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kahabaan ng EDSA Bus Carousel sa lungsod ng Pasay.

Higit 20 tauhan ng MMDA ang idineploy sa bahagi ng EDSA bus way para hulihin ang mga motoristang dumadaan sa EDSA Bus Carousel.

Layon ng nasabing operasyon na madisiplina ang mga motorista at maiwasan ang anumang mga asidenteng kinasasangkutan ng mga pasaway na lumalabag sa bagong patakaran ng ahensya.

Pinangunahan ni MMDA Assistant General Manager for Operations Asec. David Angelo Vargas ang operasyon.

Wala ni isang motorista ang nalambat ng MMDA sa bahagi ng EDSA Malibay sa northbound sa Pasay kaya’t lumipat sila ng ibang lugar upang isagawa ang ‘Operation Lambat’. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us