MMFF 2023 Parade of Stars, isasagawa sa Camanava sa December 16

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na gagawin ang “Parade of Stars” para sa 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela o Camanava area sa December 16.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na dadaan ang parada sa apat na lungsod.

Magsisimula ang motorcade parade ng alas-2 ng hapon sa Navotas Centennial Park; patungong C4, Samson Road, at Mc Arthur Highway papuntang Valenzuela People’s Park kung saan isasagawa ang main event.

May haba ang parada ng 8.7 kilometro at inaasahang tatagal ng tatlong oras.

Sa naturang parada, makikita ng publiko ang mga artistang may kalahok na pelikula sa MMFF habang nakasakay sa makukulay na “float.”

Kaugnay nito, sinabi ni MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes, na magde-deploy sila ng 1,000 personnel para tumulong sa crowd control at pagmamando sa trapiko.

Ipalalabas naman ang mga pelikula sa mga sinehan simula sa December 25 hanggang January 7. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us