Pinangunahan ng Ministry of Social Services and Development ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MSSD-BARMM) ang agarang pagbigay ng pinansyal na tulong at iba pang mga pangunahing kailangan ng mga biktima at kanilang mga pamilya sa Amai Pakpak Medical Center, Marawi City kung saan sila ay naka-ospital.
Ang Minister mismo ng Ministry of Social Services and Development, Atty. Raissa Herradura Jajurie ang nanguna sa pagbisita at pagsasagawa ng assessment para sa mga biktima. Ayon sa kanya, nakabigay ang MSSD-BARMM ng dalawangput limang libong o 25,000php cash assistance para sa mga injured o nasugatan sa nasabing insidente kung saan nagpapagaling kasalukuyan sa Amai Pakpak Medical Center.
Sa ating panayam kay Minister Jajurie, nabanggit din niya na sila’y magbibigay ng 50,000php cash assistance para naman doon sa mga pamilyang ng mga nasawi dulot ng insidente. Hindi lang ang cash assistance ang kanilang ibibigay na tulong a suporta sa mga biktima. Kalakip rin dito ay ang iba’t ibang serbisyo sa ilalim ng kanilang mga programa.
Samantala, aktibo naman ang mga kawani ng gobyerno mula sa Provincial Social Welfare and Development Office ng Lanao del Sur at ang City Social Welfare and Development Office ng Marawi City sa pag-aasikaso sa mga iba pang kailangan ng mga biktima.| ulat ni Alwidad Basher| RP1 Iligan