Welcome para kay Bicol Saro party-list Rep. Brian Yamsuan ang pagbabalik operasyon ng biyahe ng Philippine National Railway (PNR) mula Camarines Sur patungong Albay simula December 27.
Ayon sa Bicolano solon, lalo nitong pasisiglahin ang komersyo sa pagitan ng dalawang commercial hub ng Bicol at pauunlarin ang economic activity sa rehiyon.
Pinapurihan ni Yamsuan ang desisyon ng Department of Transportation at PNR na muling buksan ang rutang Naga City patungong Legazpi City na anim na taon ding natigil.
“This is a belated, but certainly a most welcome, and fitting Christmas gift for Bicolanos. More so now that they will be able to usher in the New Year with the sound of locomotives bearing not only commuters but increased trade and the bustle of economic activity in every train stop that spans the Naga-Legazpi route,” sabi ni Yamsuan.
Kumpiyansa ang mambabatas na sa pamamagitan ng biyaheng ito ay mas mapapadali at magiging kumportable ang paglalakbay ng mga Bicolano at makatutulong para mapalakas din ang turismo ng rehiyon.
Tinukoy ng kongresista na sa 2023 Cities and Municipalities Competitiveness Index nanguna ang Naga at pumangalawa naman ang Legazpi bilang ‘highly competitive component city’ sa bansa.
Ang Naga ang itinuturing ng financial, trade at educational capital ng Bicol maliban pa sa pagiging ‘richest city’ ng probinsya habang ang Legazpi naman ang agricultural powerhouse ng Bicol at sentro ng retail trade, manufacturing at mining.
“Increased trade and people movement between these highly competitive cities as a result of the resumption of the Naga-Legazpi rail operations means more jobs, better access to education, and more business and livelihood opportunities for Bicolanos,” dagdag ni Yamsuan.
Kasabay nito ay umaasa si Yamsuan na masusundan ito ng pagbabalik full operation ng Bicol Express line.
Aniya magiging ‘game changer’ kung maikonekta na muli ang Metro Manila, Laguna at Bicol region sa pamamagitan ng PNR South Long Haul Project.
Oras na maisakatuparan, ang 14 hanggang 18 oras na biyahe ay mapapaikli ng 4 hanggang 6 na oras na lang. | ulat ni Kathleen Jean Forbes