Muling pambubully ng China sa WPS, malinaw na human rights violation —mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinabi ni Committee on Human Rights Chair at Manila Congressman Bienvenido Abante Jr. na malinaw na paglabag sa karapatang pantao ang ginagawang pambu-bully ng China sa West Philippine Sea.

Ito ang pahayag ni Abante kasunod ng muling pamboboba ng tubig ng China Maritime Forces sa sasakyang pandagat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na pawang mga humanitarian ship na magdadala ng supply sa Bajo de Masinloc.

Ayon sa mambabatas, dahil sa paulit-ulit na pambu-bully ng China sa Pilipinas, uportado niya ang pahayag ni Senate President Migz Zubiri na pauwiin na ang Chinese ambassador sa kanilang bansa at i-recall ang sugo ng Pilipinas sa China.

Aniya, ito ay upang iparating sa bansang China ang ating paninidigan na hindi natin gusto ang kanilang ginagawang paglabag sa karapatang pantao. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us