National highway sa Ilocos Norte, unpassable dahil sa malawakang landslide

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma sa RP1 Laoag ni Barangay Chairman Jessie Lagundino ng Brgy. Pancian, bayan ng Pagudpud na hindi na madaanan ng anumang sasakyan ang Sitio Banquero dahil sa malaking landslide ngayon araw ng Linggo.

Sa panayam kay Lagundino, maraming biyahero ngayon ang stranded sa lugar mula sa probinsya ng Cagayan.

Aniya, dalawang landslide ang naitala sa lugar na may halos 30 metro ang lawak ng natabunan ng lupa.

Sinabi nitong hindi naman pwedeng bumiyahe sa dagat para makatawid sa ibang lugar dahil sa malalaking na alon sa kasalukuyan.

Patuloy ang clearing operations ng DPWH Ilocos Norte at hindi malaman kung anong oras tatagal bago mabuksan ang kahit isang lane habang nararanasan ang sama ng panahon.

Panawagan naman ni Lagundino na huwag nang bumiyahe papunta sa Ilocos Norte kung walang importanteng lakad. | ulat ni Ranie Dorilag | RP1 Laoag

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us