Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na suspendido ang pagpapatupad ng Expanded Vehicle Volume Reduction Scheme o mas kilala bilang number coding scheme sa Biyernes, Disyembre 8.
Ito’y ayon sa MMDA ay bilang pagbibigay daan sa pagdiriwang ng mga Katoliko ng pista ng Immaculate Conception na isang Holiday of Obligation.
Dahil dito, pinaalalahanan naman ng MMDA ang mga motorista na planuhing maigi ang kanilang biyahe at gawin ang ibayong pag-iingat lalo’t isa ito long weekend.
Una nang idineklara ng pamahalaan na isang Special Non-Working Holiday ang naturang araw salig sa Republic Act 10966 na ipinasa noong 2021. | ulat ni Jaymark Dagala