Good news para sa mga motorista, dahil may inaasahang malakihang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo bukas.
Base kasi sa pinakahuling monitoring ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy (DOE) posibleng bumaba sa ₱1.80 hangang ₱2 kada litro ng diesel, habang ₱1.60 hangang ₱1.90 naman sa kada litro ng gasolina, habang ₱1.40 hangang ₱1.60 naman sa kada litro ng kerosene.
Ayon kay OIMB Director Rino Abad, posibleng bumaba pa ang presyo nito sa mga susunod pang mga linggo dahil sa pagbaba ng demand sa mga OPEC o Organization of the Petroleum Exporting Countries na dahilan ng pagbaba ng presyo nito sa merkado. | ulat ni AJ Ignacio