Bahagya nang pinasigla ng National Grid Corporation of the Philippines ang operasyon ng Bislig-Baganga 69kV Line 1 sa Brgy. Kinablangan, Baganga, Davao Oriental.
Ayon sa NGCP, ang transmission line facility ay naapektuhan ng pananalasa ni bagyong Kabayan.
Ito ang nagsusuplay ng kuryente sa Davao Oriental Electric Cooperative, Inc o DORECO.
Pinakilos na ng NGCP ang mga line crew at nagsasagawa na ng inspeksyon at para masuri ang epekto ng tropical storm sa mga operasyon at pasilidad nito.
Ang simultaneous restoration activities ay isinasagawa din sa mga lugar na kaya nang mapuntahan. | ulat ni Rey Ferrer