Ipinapanukala ni Makati Representative Luis Campos Jr. ang paglikha ng P1 billion special education fund upang matugunan ang kakulangan ng nurse sa bansa.
Sa inihain nitong House Resolution 1510, hiniling ni Campos sa House committee on Appropriations ang pagkakaroon ng Nursing Education Support Fund, para makapagbukas ang 73 state universities and colleges (SUCs) na hindi nag-o-offer ng Bachelor of Science in Nursing ng kanilang sariling nursing school.
Ayon sa mambabatas, sa ngayon sa kabuuang 117 SUC’s sa buong bansa 44 lamang ang may nursing school o katumbas ng 37 percent.
Katunayan, dito aniya sa Metro Manila, ang University of the Philippines o UP Manila lamang ang nag-o-offer ng BSN program.
“Empowering more SUCs to produce highly qualified BSN graduates will boost the capability of the Philippines to supply both the domestic and global demand for nurses in the years ahead,” punto ni Campos.
Punto pa ng Makati solon, na maliban sa pagpuno sa kakulangan sa ating healthcare system ang pagkakaroon ng mas maraming nurse ay may ambag din aniya sa ating ekonomoya dahil sa remittances na kanilang pinapadala mula Amerika at Europa.
“This in turn will benefit our public health care system and the economy as well, considering that highly paid Filipino nurses in America and Britain are among the biggest providers of cash remittances to their families here at home,” dagdag pa niya. | ulat ni Kathleen Forbes