Muling nagbigay ng paalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kasama ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa pagtanggap ng P1,000 polymer banknotes kahit ito ay may tupi.
Paalala ng mga ahensya na na maaari pa ring tanggapin ang P1,000 polymer banknotes na may tupi at maaari pa rin itong gamitin sa mga transaksyon.
Hinihikayat din ang publiko na ipaalam sa mga sumusunod na ahensya kung may makakatagpo sila ng anumang isyu ukol dito:
- BSP e-mail address: [email protected]
- LTFRB Hotline: 1342 / Landline: 8529-7111 / E-mail address: [email protected]
Nauna na ring naglabas ng advisory ang BSP patungkol sa pag-iingat ng publiko sa pagkalat ng pekeng pera partikular ngayong holiday season sa kabila ito ng mga enhanced security features na meron ang bagong polymer banknote na P1,000 na naunang pumasok sa sirkulasyon noong Abril 2022.| ulat ni EJ Lazaro