Aprubado na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang P500 na umento sa buwanang sahod sa mga kasambahay sa National Capital Region (NCR) simula sa susunod na taon.
Ang nasabing taas-sahod ay magtataas sa sweldo ng mga helper sa P6,500 para sa Metro Manila.
Samantala, maliban sa Metro Manila may dagdag namang P1,000 sa buwanang sahod ng mga kasambahay sa rehiyon ng CARAGA.
Dahil dito, magiging P5,000 na ang bagong monthly wage rate sa rehiyon.
Bukod pa dito ang dagdag na P20 na dagdag sa sahod sa minimum wage sa CARAGA Region at karagdagang P15 para sa second tranche sa Mayo 1 ng susunod na taon.| ulat ni EJ Lazaro