Sisimulan na ang pagtatayo ng housing project sa lalawigan ng Bataan sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino program.
Ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), pormal nang inilunsad ang groundbreaking ceremony ng 1 Bataan Village-Orion Phase 2 project kahapon.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni DHSUD Assistant Secretary Hanica Rachel Ong at Bataan 2nd District Representative Albert Garcia .
Matatagpuan sa Barangay Daan Pare, ang nasabing proyekto na naglalayong magbigay ng ligtas, disente, matatag at abot-kayang mga tahanan.
Ayon sa DHSUD, mahigit 6,450 na benepisyaryo ang inaasahan nang makinabang sa pabahay .
Tiniyak ng DHSUD sa Bataan Officials ang kinakailangang suporta para sa tagumpay ng proyekto.| ulat ni Rey Ferrer