PAG-IBIG Fund, nakatakdang ipatupad ang taas-singil sa member’s contribution sa susunod na taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang ipatupad ng Home Development Mutual Fund o PAG-IBIG Fund ang nakaambang taas-singil sa member contribution sa unang buwan ng 2024.

Ayon kay PAG-IBIG CEO Mariline Acosta, tuloy na ang naturang taas-singil sa January 2024 matapos aprubahan ng PAG-IBIG Board at napagbigay-alam na kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Dagdag pa ni Acosta na wala namang naging pagtutol ang Palasyo hingil naturang pagtaas ng kontribusyon.

Matatandaang ipinagpaliban ng PAG-IBIG ang kanilang taas-singil sa contribution dahil sa patuloy na epekto ng pandemic sa mga miyembro at business sector. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us