Pagdeklara sa Quiapo bilang isang National Heritage Zone, muling inihirit ng Manila solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Positibo si Manila Representative Joel Chua na bibilis ang usad sa Kongreso ng panukala niyang ideklara ang Quiapo bilang isang “National Heritage Zone”.

Kasunod na rin ito sa nakatakdang pagdeklara ng CBCP sa Quiapo Church bilang national shrine sa Enero 29, 2024.

“The declaration of Quiapo church as a national shrine on January 29 will add impetus for Congress to move the bill forward,” ayon sa mambabatas.

May kahintulad na panukala sa Senado na inihain nina Senador Lito Lapid at Loren Legarda.

Dito, bubuo ng isang development plan na pangungunahan ng Department of Tourism kung saan bahagi ang restoration, rehabilitation, conservation at maintenance ng lugar.

Sakop ng ipinadedeklarang heritage zone ang paligid ng Quiapo Church, Plaza Miranda, San Sebastian Church, at Plaza del Carmen.

Oras kasi na kilalanin ito bilang national heritage zone ay mas mapaglalaanan ito ng pondo para sa pagsasaayos ng imprastraktura, pagpapalakas nito bilang tourist site at pagsasaayos ng mga historical structure sa palibot nito. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us