Pagkamalikhain ng student artists sa Isabela City, Basilan, tampok sa panibagong tourist attraction ng lungsod na ‘Escalera de Paz’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tampok ang makukulay na murals na gawa ng mag mag-aaral ng Claret College of Isabela na grupong “L’Artiste Claret” sa panibagong tourist attraction at selfie spot ng lungsod sa probinsya ng Basilan na tinaguriang “Eskalera de Paz y Amor”.

Pinasalamatan ni Isabela City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman ang mga mag-aaral na nag-volunteer para pagandahin at pasiglahing muli ang naturang lugar bilang bahagi ng selebrasyon ng Mindanao Week of Peace at 18-Day Campaign to End Violence Against Women.

Personal na ibinigay ng alkalde ang grocery packs at mga sako ng bigas bilang regalo sa mga student artist na tumugon sa panawagan ng lokal na pamahalaan at partners nito para sa collaborative efforts sa pagsulong ng kapayapaan sa naturang lungsod.

Ang pagsasaayos at pagpapaganda ng ‘Escalera de Paz y Amor’ na hagdan kung saan nakasulat ang salitang kapayapaan sa iba’t ibang lenggwahe ay nagsisilbing simbolo ng iba’t ibang kultura at pagkakaisa na nakapaloob sa komunidad ng Isabela City.| ulat ni Justin Bulanon| RP1 Zamboanga

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us