Inumpisahan na ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon ang paglalagay ng concrete plant boxes sa gilid ng bike lanes sa buong lungsod.
Layon nito na maprotektahan ang mga nagbibisekleta na gumagamit ng Quezon City Bike Lane Network.
Nauna nang inilagay ang bike ramps sa mga footbridge upang umagapay sa kanilang ligtas na pagtawid sa highways.
Ang proyektong ito ay bahagi ng 14-point agenda ni Mayor Joy Belmonte na mapalawak,
makapagdagdag, at gawing ligtas ang bike lanes, at open and green spaces sa lungsod.
Buo ang suporta ng QC Gov’t sa active mobility at alternative transportation, na nakatutulong upang mabawasan ang carbon footprint at ang posibleng epekto ng pabago-bagong klima. | ulat ni Rey Ferrer