Nagpaabot ng pagbati si Vice President Sara Duterte sa mga miyembro ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO) ngayong Pasko.
Nagpasalamat si VP Sara sa pagtutulungan upang mas mapabuti ang sektor ng edukasyon sa Southeast Asia.
Aniya, ang kanilang katatagan at pagkakaisa ay nagdulot ng pagkatuto at kahusayan sa mga mag-aaral.
Bagama’t batid ng Pangalawang Pangulo na hindi magiging madali ang mga hamon sa sektor ng edukasyon sa susunod na taon, hinimok naman nito ang bawat miyembro ng SEAMEO na magtulungan upang maisulong ang innovative teaching strategies na akma sa pangangailangan ng mga mag-aaral.
Nanawagan din si VP Sara na tutukan ang education recovery efforts sa susunod na taon at magkaroon ng dayalogo upang maiangat ang kalidad ng edukasyon sa ASEAN regions lalo na sa science at culture. | ulat ni Diane Lear