Pagpapaigting ng kooperasyon sa sektor ng edukasyon, naging mensahe ni VP Sara sa mga miyembro ng SEAMEO ngayong Pasko

Nagpaabot ng pagbati si Vice President Sara Duterte sa mga miyembro ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO) ngayong Pasko. Nagpasalamat si VP Sara sa pagtutulungan upang mas mapabuti ang sektor ng edukasyon sa Southeast Asia. Aniya, ang kanilang katatagan at pagkakaisa ay nagdulot ng pagkatuto at kahusayan sa mga mag-aaral. Bagama’t batid ng… Continue reading Pagpapaigting ng kooperasyon sa sektor ng edukasyon, naging mensahe ni VP Sara sa mga miyembro ng SEAMEO ngayong Pasko

Patuloy na pagkakaisa at pagtutulungan, mensahe ni SP Zubiri ngayong kapaskuhan

Tiwala si Senate President Juan Miguel Zubiri na mas maraming magagandang bagay pa ang magagawa ng buong bansa kung patuloy na magkakaisa at magtutulungan. Sa kanyang Christmas message, hinikayat ni Zubiri ang mga Pilipino na sama-samang ipagpasalamat ang mga biyaya na natanggap nitong taon. Dapat rin aniyang sama-samang ipagdiwang ang mga nakamit na tagumpay. Ayon… Continue reading Patuloy na pagkakaisa at pagtutulungan, mensahe ni SP Zubiri ngayong kapaskuhan

Philippine Red Cross, nagpasalamat sa lahat ng volunteers at donors nito ngayong araw ng Pasko

Nagpasalamat ang Philippine Red Cross (PRC) sa lahat ng volunteers, staff, donors, chapters, at partners nito ngayong araw ng Pasko. Sa mensahe ni PRC Chairman at CEO Richard Gordon, nagpasalamat ito sa dedikayon, katapatan, sakripisyo, at ang paglilingkod ng may malasakit ng mga volunteer at staff sa mga nangangailangan nating kababayan na nakaranas ng sakuna… Continue reading Philippine Red Cross, nagpasalamat sa lahat ng volunteers at donors nito ngayong araw ng Pasko

Vice President Sara Duterte, nagpaabot ng pagbati at pasasalamat sa mga frontliner ngayong araw ng Pasko

Nagpaabot ng taos pusong pagbati si Vice President Sara Duterte sa mga frontliner ngayong araw ng Pasko. Sa mensahe ng Pangalawang Pangulo, nagpasalamat ito sa mga sundalo, pulis, bumbero, doctor, nurses, iba pang health workers, disaster response at emergency personnel, quick response teams, at iba pa na nagdiriwang ng Pasko na malayo sa kanilang mga… Continue reading Vice President Sara Duterte, nagpaabot ng pagbati at pasasalamat sa mga frontliner ngayong araw ng Pasko

Jose Mari Chan, dapat na ring magawaran ng titulong National Artist ayon sa isang mambabatas

Naniniwala si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, na panahon ng kilalanin bilang National Artist ang mang-aawit na si Jose Mari Chan. Ayon sa mambabatas na miyembro ng House Committee on Creative Industries, ‘deserve’ ni Chan ang naturang pagkilala dahil na rin sa tanyag nitong awitin na “Christmas in Our Hearts.” Punto ni Barbers,… Continue reading Jose Mari Chan, dapat na ring magawaran ng titulong National Artist ayon sa isang mambabatas

SSS at BOC, lumagda sa kasunduan para sa social security coverage ng contractuals sa Zamboanga

Nakipag-partner na rin sa Social Security System (SSS) ang Bureau of Customs (BOC) – Region IX para mabigyan ng sapat na social security coverage ang kanilang mga Job Order, at mga manggagawang Contract of Service. Pinangunahan nina SSS President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet at BOC Region IX Acting Chief for Administrative Division… Continue reading SSS at BOC, lumagda sa kasunduan para sa social security coverage ng contractuals sa Zamboanga

Higit sa P4-M halaga ng pinahihinalaang shabu, nasabat ng mga awtoridad sa Lanao del Sur

Higit sa P4 milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa ikinasang anti-drug operation sa lalawigan ng Lanao del Sur. Ayon kay Police Col. Robert Daculan, provincial director ng Lanao del Sur Police Provincial Office (LDSPPO), bukod sa iligal na droga, anim na katao rin ang nalambat sa buy-bust operation sa Barangay… Continue reading Higit sa P4-M halaga ng pinahihinalaang shabu, nasabat ng mga awtoridad sa Lanao del Sur

House Appropriations Panel Chair, umaasa na magkaroon ng mas malaking kita ang pamahalaan para mapondohan ang ‘unprogrammed funds’ sa 2024

Pinuri ni House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa napapanahon nitong paglagda sa 2024 national budget. Ani Co, ito ang pinakamagandang Pamasko para sa mga Pilipino lalo at nakapaloob sa pambansang pondo ang bagong programa na tutulong sa may 12 milyong kapos na pamilyang Pilipino. Kasama kasi sa pinondohan… Continue reading House Appropriations Panel Chair, umaasa na magkaroon ng mas malaking kita ang pamahalaan para mapondohan ang ‘unprogrammed funds’ sa 2024

8 naaresto ng PNP dahil sa iligal na paputok

Nakapagtala ng 19 na insidente ang Philippine National Police (PNP) na may kaugnayan sa kanilang ‘Ligtas Paskuhan 2023’. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, P/Col. Jean Fajardo, mula ito nang itaas ang full alert status ng Pulisya noong Disyembre 16 hanggang ngayong araw ng Pasko. Sa nasabing bilang, 6 ang illegal discharge of firearms,… Continue reading 8 naaresto ng PNP dahil sa iligal na paputok

LTO, nag-isyu ng Show Cause Order laban sa may-ari at driver ng SUV na sangkot sa aksidente sa Mandaluyong City

Pinagpapaliwanag na ng Land Transportation Office-National Capital Region ang may-ari at driver ng sports utility vehicle na sangkot sa aksidente sa Mandaluyong City nitong Disyembre 23. Naglabas na ng show cause order ang LTO-NCR nitong weekend laban sa may-ari at driver ng Mitsubishi Montero na may plate no. WTQ 575. Inuutusan ang mga ito na… Continue reading LTO, nag-isyu ng Show Cause Order laban sa may-ari at driver ng SUV na sangkot sa aksidente sa Mandaluyong City