Patuloy na pagkakaisa at pagtutulungan, mensahe ni SP Zubiri ngayong kapaskuhan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiwala si Senate President Juan Miguel Zubiri na mas maraming magagandang bagay pa ang magagawa ng buong bansa kung patuloy na magkakaisa at magtutulungan.

Sa kanyang Christmas message, hinikayat ni Zubiri ang mga Pilipino na sama-samang ipagpasalamat ang mga biyaya na natanggap nitong taon.

Dapat rin aniyang sama-samang ipagdiwang ang mga nakamit na tagumpay.

Ayon sa senate president, sa pagkakaisa at sa patuloy na pagtutulungan ay mas marami pa ang magagawa– para sa mga pamilya, para sa komunidad, at para sa buong bayan.

Dasal anya ni Zubiri ang isang masaya at makabuluhang Pasko kasama ang mga pamilya.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us