Muling nagpaalala ang Bureau of Immigration sa inbound at outbound passengers na magparehistro sa e-travel portal ng bansa.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, kinakailangan na magparehistro sa e-travel portal upang masiguro ang mga impormasyon ng mga pasahero na papasok at lalabas ng bansa at upang magkaroon ng tracing at monitoring sa mga ito.
Dagdag pa ni Tansingco na binigyan na rin nito ng direktiba ang airline companies na abisuhan ang kani-kanilang mga pasahero na mag-register sa naturang portal.
Samantala, muli namang paalala ni Tansingco sa publiko na gawin na ito bago tumungo sa mga paliparan upang makaiwas sa abala dahil na rin sa inaasahang dagsa ng mga pasahero ngayong holiday season. | ulat ni AJ Ignacio