Pagpapatayo ng dagdag na istruktura sa WPS, kasama sa pinondohan sa panukalang 2024 budget

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ng Kamara ang pagtatatag ng mga istruktura sa West Philippine Sea (WPS) upang mapalakas ang presensya ng bansa sa naturang katubigan.

Ayon kay House Committee on Appropriations Chair Elizaldy Co, magkakaroon ng dagdag na istruktura sa WPS bilang tugon na rin sa aggression ng China sa Pilipinas.

Aniya nagkaroon ng dagdag na pondo ang Department of Transportation (DOTr) para sa pagsasaayos ng airport at pati sa Philippine Coast Guard (PCG).

Pagbabahagi ng Ako Bicol party-list solon, magkakaroon ng shelter at runway sa Laway Island na siyang pinakamalapit na isla sa Ayungin Shoal.

“Even po sa Ayungin Shoal, yung malapit na isla doon sa Ayungin Shoal sa Lawak, we’re putting up a shelter port para mas lalo pong maproteksyunan yung mga nagde-deliver doon just in case may bagyo magkakaroon na doon ng shelter port and expansion ng runway sa West Philippine Sea,” saad ni Co.

Batid ni Co na banta sa kaligtasan ng pwersa ng bansa ang pangha-harass ng China partikular sa mga isinasagawang re-supply mission sa Ayungin Shoal para sa mga sundalong nakadestino sa BRP Sierra Madre.

Kaya isa sa maaaring gawin ngayon ay idaan ang resupply mission sa ere.

“Kaya inaayos natin yung airport ng West Philippine Sea. Tapos hopefully dun sa Lawak Island sa Ayungin Shoal, that’s only around 30 minutes lalagyan na rin ho natin ng runway para hindi na nila pwedeng harangin, unless mayroon silang bomba sila sa taas ng eroplano, sungkitin nila yung eroplano e maghahabulan sila… Pag dumaan ka sa ere hindi ka na ano, unless bungguin ka ng mga fighter jets nila, so that’s already a declaration of war,” dagdag pa ng mambabatas.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us