Pagsadsad ng isang Chinese cargo vessel sa isang Filipino fishing vessel sa Occidental Mindoro, walang kinalaman sa usapin ng China at PH sa WPS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG) na ordinaryong maritime incident lamang ang naitala sa karagatang sakop ng Paluan, Occidental Mindoro, Martes ng hapon, kung saan nasagasaan ng isang Chinese cargo vessel ang isang Filipino fishing boat.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, ipinaliwanag ni PCG Spokesperson Arman Balilo, na ruta talaga ng mga bumabiyaheng barko patungo at mula sa Indonesia ang pinangyarihan ng insidente.

Ibig sabhin, wala itong kinalaman sa usapin ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) kaya’t tinatrato lamang ng PCG ang insidente bilang isang ordinaryong maritime incident.

“Kahapon po ang directive po ni Admiral Gavan ay sulatan kaagad iyong Maritime Safety Administration ng China para po maipaalam itong insidenteng ito at nang sa ganoon ay makagawa sila ng kaukulang imbestigasyon para po dito sa ating mga fisherman na nabangga at sinulatan din po natin iyong next port of call iyong Port State Control ng Indonesia para ganoon din po malaman na mayroong insidente at makagawa sila ng kaukulang aksiyon.” —Balilo

Sa kasalukuyan, nasa maayos aniya ang lagay ng limang Pilipinong mangingisda na sakay ng fishing vessel.

Nakipag-uganayan na rin sila sa BFAR upang mapaabutan ng tulong ang mga ito. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us