Pagsusuot ng Christmas costume ng mga security guard, ipinagbawal ng PNP-SOSIA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagbawalan ng PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) ang mga security guard na magsuot ng Christmas costume at gumawa ng ibang trabaho maliban sa kanilang pangunahing tungkulin.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, pinaliwanag ni PNP-SOSIA Director PBGen. Gregory Bogñalbal na bawal sa mga guwardiya ang pagsusuot ng Christmas costume tulad ng Santa Claus dahil pwedeng mag-costume din ang mga kriminal at malusutan ang mga nagbabantay sa mga mall at terminal.

Maliban dito, bawal din ang paggawa ng ibang trabaho ng mga security guard na labas sa kanilang tungkulin kasama na ang pagiging utility, parking attendant, service crew at janitor.

Giit ni Bogñalbal, bilang force multiplier ng mga PNP, dapat ay nakatutok ang mga security guard sa pagbabantay.

Sakali umanong lumabag ang mga security guard ay pagmumultahin sila ng P500 hanggang P1,000 para sa unang paglabag at pwede pang tumaas depende sa daming beses ng paglabag.

Pwede ring mapatawan ng parusa ang kanilang security agency at pwedeng mabawian ng lisensya. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us