Siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ‘on top of the situation’ ang gobyerno kasunod ng bombing incident sa Mindanao State University.
Ang pagtiyak ay ginawa ng Punong Ehekutibo habang ipinagkakaloob ang kaukulang tulong sa mga nabiktima ng karahasan.
Ayon sa Pangulo, kapwa naka-alerto ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines upang magbigay proteksyon at seguridad sa mamamayan.
Bukod pa rito, sabi ng Presidente ay may idaragdag pang mga security personnel na ‘ready for deployment’.
Sa Ngayon ay naka-red alert ang buong rehiyon ng Mindanao habang naka-heightened alert ang buong National Capital Region kasunod ng insidente ng pambobomba sa Mindanao State University. | ulat ni Alvin Baltazar