Tuloy-tuloy na sa paghahatid ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigan na apektado ng bagyong Kabayan.
Namahagi ng family food packs ang DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng bagyo sa Caraga Region kabilang ang Tandag, San Miguel, Lianga, Bayabas, Lanuza at Surigao Del Sur.
Ayon sa DSWD, nasa kabuuang 22,165 family food packs ang nakaantabay pa habang P5,000,000 halaga ng cash assistance ang nakalaan para tugunan ang pangangailangan sa affected areas.
Layon ng hakbang na ito, na matulungan ang mga pamilyang sinalanta ng bagyo partikular ang pagbibigay ng food at non-food items. | ulat ni Rey Ferrer