Pambobomba sa unibersidad sa Marawi, kinondena ng DILG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mariing kinokondena ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang nangyaring pambobomba sa Mindanao State University-Marawi Campus na ikinasawi ng ilang indibidwal nitong linggo ng umaga.

Sa isang pahayag, sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos na prayoridad ngayon ng pamahalaan na tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan sa lugar.  

Batay rin sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay inatasan na nito ang Philippine National Police (PNP) na agad paigtingin ang Checkpoints at Police visibility upang maprotektahan ang mga residente.

Inatasan na rin aniya nito ang PNP na tugisin ang mga walang-kaluluwang tao at grupo na nasa likod ng pambobombang ito sa loob mismo ng unibersidad at habang isinasagawa ang misa. 

Para kay Sec. Abalos, malinaw na pakana ito ng mga terorista para maghasik ng takot at kaguluhan sa Marawi.  “This is clearly the handiwork of terrorists who want to sow fear, chaos, and confusion among the populace.  Hindi man lang nila nirespeto ang institusyon ng simbahan at paaralan.”

Kasunod nito, tiniyak naman ng kalihim, lalo na sa mga pamilya ng mga biktima, na gagawin ang lahat para maibigay ang hustisya sa nangyari.  “Violence has no place in the Bagong Pilipinas. We assure our people, especially the families of the victims, that we will apply the full force of the law and employ all legal means to bring the perpetrators to justice.”  | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: MSU Medical Services

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us