Hindi pabor si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga mungkahing paalisin na ng bansa si Chinese Ambassador Huang Xillian, sa gitna na din ng mga pahayag nito hinggil sa aniya’y walang nalalabag ang China sa kamakailang insidente ng harassment sa Bajo de Masinloc at Ayungin Shoal.
Sa Kapihan with the Media kay Pangulong Marcos Jr. sa Tokyo, sinabi nitong dapat maging maingat sa mga gagawing hakbang at hindi magandang mag-over react.
Pero aminado ang Pangulo, na kanyang ikinainis ang nasabing pahayag ng Chinese envoy ngunit sa kabilang banda’y nauunawaan niya ito gayung ginagawa lamang nito ang kanyang trabaho.
Dagdag ng Pangulo, na kahit pa mapalitan si Ambasssor Huang ay tiyak siyang gayundin ang gagawin ng papalit sa kanyang envoy.
Kung tutuusin ay hindi na kataka-taka ang pahayag ng Chinese Ambassador gayung siya’y nasa panig naman talaga ng China.
Ang pinakamabuting paraan pa din ayon sa Pangulo sa ganitong pagkakataon ay pag-usapan ang isyu sa halip na mag over react. | ulat ni Alvin Baltazar