Pangulong Marcos nanguna sa pamamahagi ng mga titulo ng lupa sa mahigit 2,100 agrarian reform beneficiaries sa Panay at Guimaras

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigit 2,100 na agrarian reform beneficiary (ARB) sa isla ng Panay at Guimaras ang nakatanggap ng mga titulo ng lupa mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) ngayong Lunes, Disyembre 11, 2023.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama si DAR Secretary Condrado Estrella III ang pamamahagi ng titulo sa mga ARB: 184 sa Aklan, 210 sa Antique, 1035 sa Capiz, 681 sa Iloilo, at 33 sa Guimaras.

Katumbas ito ng higit sa 2,900 ektarya ng lupaing pang-agrikultural sa mga nasabing lalawigan.

Maliban dito, namigay din ng mga organic fertilizer, farm machinery, at tissue culture facilities ang DAR sa iba’t ibang farmer organization na nagkakahalaga ng P26,712,987.38.

Kasama naman sa mga naipamahagi na farm equipment ay mga shredder, hand tractor with trailer, rice thresher, at corn combine harvester.

Maituturing namang maagang pamasko ng ilang benepisyaryo ang mga natanggap na tulong mula sa gobyerno.

Ginanap ang distribusyon sa Passi City Arena sa Lungsod ng Passi sa Lalawigan ng Iloilo. | via Hope Torrechante | RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us