Pangulong Marcos pinangunahan ang pagbubukas ng 18th National Scout Jamboree sa Passi City, Iloilo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mainit na sinalubong ni Passi City Mayor Atty. Stephen Palmares, Iloilo Governor Arthur Defensor Jr. at 4th district Congressman Ferjenel Biron si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Camp Pintados de Passi para sa pagbubukas ng 18th National Scout Jamboree sa Barangay Sablogon.

Nabigay inspirasyon sa harap ng mahigit 35,000 na delegasyon ng Boy Scouts ang Pangulo na siyang pangunahing panauhin sa okasyon.

Sa kanyang talumpati, hinikayat nito ang mga scouts na e-enjoý ang iba’t ibang training at gamitin ang kanilang matututunan sa nation building bilang mabuting kabataan at mamamayan.

Pinangunahan din ni PBBM ang pagpapatunog ng gong ng BSP bilang hudyat ng opisyal na pagbubukas ng programa pati na ang pagbibigkas nang Boy’s Scout Oath.

Pinasalamatan naman ni Passi City Mayor Stephen Palmares ang pangulo sa kanyang pagbisita at pagbibigay suporta bilang Chief Scout. | ulat ni Jenel Baclay | RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us