Tiniyak ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association Inc.(PASAI) na may sapat na suplay ng noche buena items para ngayong holiday season.
Ayon kay PASAI President Steven Cua, maganda sana habang maaga ay makapamili na ang publiko dahil mura at may diskwento pa ang ilang produkto.
Bukod dito makakapili pa ng brand ng produkto at makakasiguro ng magandang kalidad.
Sa ngayon, normal pa ang presyo ng noche buena items pero kung magkaroon ng pagtaas ay nakadepende ito sa supply at demand, at mangyayari ito sampung araw bago ang araw ng Pasko.
Aminado si Cua na nakaugalian na ng mga Pinoy na naghahabol ng pamimili kapag malapit na ang araw ng Pasko.| ulat ni Rey Ferrer