Sinimulan na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang taunang welcome activities para sa mga overseas Filipino worker (OFWs) na umuuwi sa bansa para dito ipagdiwang ang Kapaskuhan.
Ang aktibidad ay tinawag na “Paskong Salubong para sa Bagong Bayani ng Bagong Pilipinas” at isinagawa sa Arrival Area ng NAIA Terminal 1 ngayong umaga.
Pinangunahan ni DMW Officer-in-Charge Hans Leo
Cacdac at mga opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para salubungin ang mga uuwing OFW mula sa Saudi Arabia sakay ng Philippine Airlines Flight PR0655 kaninang 9:30am.
Inantabayanan din ang pagdating ni OFW Jimmy Pacheco na dating na-hostage ng grupong Hamas at pinakawalan din nitong nakaraang buwan, November 24, na bahagi ng unang batch na pinalaya ng grupong Hamas. | ulat ni AJ Ignacio