Nagpaabot ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa mga tulong na ipinagkaloob ng Japan sa bansa.
Isa na rito ang tulong na inihatid ng Japan sa Pilipinas sa ilalim ng Official Security Assistance (OSA).
Kabilang sa mga tulong na nabanggit ng Punong Ministro kaugnay nito na aniya’y tuloy-tuloy nilang gagawin ay ang pagbibigay ng tulong na may kinalaman sa coastal radar system.
Inihayag din ng Prime Minister na nais nitong palakasin ang kooperasyon sa pagpapatibay ng kakayahan sa kaligtasan sa karagatan batay na rin sa Memorandum of Cooperation sa pagitan ng Coast Guards ng dalawang bansa na nilagdaan kahapon.
Sina Pangulong Marcos Jr. at Prime Minister Kishida ay nagkita sa Prime Minister’s Office kung saan ay sinaksihan din ang paglagda sa dalawang kasunduan na may kinalaman sa Memorandum of Cooperation sa pagitan ng Philippine at Japan Coast Guard gayundin sa Environmental protection Agreement sa pagitan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Ministry of the Environment ng Japan. | ulat ni Alvin Baltazar