PCG, patuloy na nakatutok sa mga lugar at katubigang apektado ng Magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Surigao del Sur

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang pagtugon at pagbabantay ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga lugar at katubigang naapektuhan ng Magnitude 7.4 na pagyanig na naganap sa Hinatuan, Surigao del Sur.

Ayon sa pahayag ni Admiral Ronnie Gil Gavan ng PCG, ipinag-utos na nito ang implementasyon ng Final Tsunami Advisory na inilabas ng DOST-PHIVOLCS sa Coast Guard District Northeastern Mindanao at Coast Guard District Southeastern Mindanao kaugnay ng mga umiiral na patakaran, alituntunin, at procedure upang tiyakin ang kaligtasan sa mga nasabing lugar.

Habang nananatiling may bisa pa rin ang response support alert mula sa Coast Guard District Northern Mindanao, Coast Guard District BARMM, Coast Guard District Central Visayas, at Coast Guard Aviation Force.

Layon nito, ayon kay Gavan, na tiyakin ang agarang suporta ng PCG sa mga hakbang ng NDRRMC hanggang sa magkaroon ng mga kaukulang paalala.| ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us