PCO CommUnity Caravan, umarangkada na ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umarangkada na ngayong araw ang kauna-unahang PCO CommUnity Caravan sa Lyceum of the Philippines University.

Layon ng naturang programa na maisulong ang malayang pamamahayag at media and information literacy sa mga kabataan.

Sa mensahe ni Communications Secretary Cheloy Garafil, sinabi nitong isa sa mga dahilan kung bakit inilunsad ang naturang programa ay nais nitong marinig ang boses ng mga kabataan at matugunan ang kanilang mga hinaing.

Ani Garafil, layon din nitong mailapit sa mga kabataan ang mga serbisyo at programa ng Presidential Communications Office.

Tampok sa aktibidad ang iba’t ibang booth ng mga sangay na ahensya ng PCO kabilang ang Radyo Pilipinas, Radio-TV Malacanang, PTV, IBC 13, Philippine News Agency, Philippine Information Agency, Bureau of Communications Service, National Printing Office, APO Production, at Konsyerto sa Palasyo na maaring bisitahin ng mga mag-aaral.

Sa ngayon ay nagkakaroon ng conference kung saan nagbibigay ng talk ang ilang opisyal ng PCO.

Tatagal namang ang PCO CommUnity Caravan sa Lyceum of the Philippines hanggang mamayang alas-3 ng hapon. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us