Palalakasin ng Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang kanilang peace-building effort sa Marawi City.
Ito ang inihayag ni OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr. kasunod ng nangyaring pambobomba noong December 3 sa Mindanao State University sa naturang siyudad.
Ayon sa kalihim, nagksundo sila ni Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong Jr. at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Ahod Al-Hadj Murad Ebrahim na kailangan ng “concerted action” sa pagitan ng national at BARMM government para lubusang masuportahan ang mga biktima at mga komunidad na apektado ng insidente.
Sa pamamagitan aniya ng Social Healing and Peacebuilding Program (SHAPE) ay layon ng OPAPRU na maisaayos ang pagkakasira sa lipunan na dulot ng “armed conflict,” upang maiwasan na maulit ang insidente.
Ang SHAPE program ay unang ipinatupad sa siyudad noong 2017 pagkatapos ng Marawi Seige. | ulat ni Leo Sarne