Persons of interest sa MSU bombing, 4 na – PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ni Philippine National Police Public Information Office (PNP-PIO) Chief Police Colonel Jean Fajardo na apat na ang persons of interest sa pambobomba sa Mindanao State University (MSU), nitong Linggo.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Fajardo na natukoy na ang pagkakakilanlan ng dalawang unang persons of interest na pinaniniwalaang nagtanim ng bomba.

Ayon kay Fajardo, kinilala ng mga testigo ang dalawa mula sa mga larawan ng “known terrorists” at natukoy ang mga ito na miyembro ng isang local terrorist group sa Mindanao.

Bagamat hindi muna pinangalanan ni Fajardo ang dalawang persons of interest at ang naturang local terrorist group, kanyang sinabi na may kinalaman ang mga ito sa ilan pang insidente ng pambobomba sa nakaraan.

Bukod sa dalawa, sinabi ni Fajardo na mayroon pang tinitingnan ang mga imbestigador na dalawa pang kasabwat na nagsilbing lookout. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us