Naka-alerto ngayon ang Philippine Army sa posibleng paghihiganti ng New People’s Army (NPA) kasunod ng engkwentro sa Malaybalay, Bukidnon noong araw ng Pasko.
Sa naturang enkwentro, siyam na miymebro ng teroristang grupo ang nasawi nang makasagupa nila ang mga tropa ng 403rd Infantry Brigade sa ilalim ng 4th Infantry Division.
Ayon kay 4th Infantry Division Commander Major General Jose Maria Cuerpo II, binilinan niya ang mga brigade commander at combat units na manatiling mapagbantay.
Aniya, kahit na ipinagdiriwang ang panahon ng Pasko at maging ng bagong taon ay tuloy-tuloy lang ang militar sa pagganap ng kanilang mandato na pangalagaan ang kapayapaan at mga mamamayan.
Dagdag pa ng opisyal, handa ang kanilang mga pwersa sa anumang pag-atake ng teroristang grupo makalipas ang kanilang idineklarang unilateral ceasefire noong Disyembre 25 at 26. | ulat ni Leo Sarne