Philippine Heart Center, may paalala sa publiko sa gitna ng kaliwa’t kanang Chrismas parties

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala ang Philippine Heart Center sa publiko lalo ngayong kaliwa’t kanan na naman ang mga Christmas parties kung saan marami ang handaan.

Ayon kay Dr. Joel Abanilla, Executive Director ng Philippine Heart Center, walang masama sa pagkain ng masarap ngayong holiday season, pero hanggat maaari ay huwag sobrahan ang pagkain ng mga matataas ang cholesterol at limitahan lamang ang portion ng pagkain.

Dagdag pa nito, dapat maging choosy at tanggalin ang ‘fatty portion’ sa kinakain.

Ganito rin ang mungkahi niya sa mga magluluto ngayong mga may handaan na limitahan ang paggamit ng butter at matatabang parte ng karne.

Ayon kay Dr. Abanilla, walang problema sa pagsasaya ngayong holiday season ngunit huwag ring kakaligtaang ingatan ang sarili lalo na sa mga pagkain at inuming mataas ang cholesterol nang hindi magdulot ng sakit sa puso. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us