Philippine Red Cross, naghatid ng tulong sa mga apektado ng magnitude 7.4 na lindol sa Surigao Del Sur

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasunod ng nangyaring magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Hinatuan, Surigao Del Sur at kalapit na mga lalawigan.

Nagpadala ang Philippine Red Cross (PRC) ng kanilang Emergency Response Unit, mga Emergency Medical Services personnel, volunteers, at staff sa mga apektadong lugar sa Mindanao region.

Ito ay upang makita ang lawak ng pinsala sa mga komunidad para agad na mabigyan ng mga tulong ang mga apektadong pamilya.

Simula pa kahapon ay walang patid ang pabibigay ng mga PRC EMS personnel ng pre-hospital treatment sa mga apektadong indibidwal, at ang iba naman ay dinala sa Agusan Del Norte hospital kabilang ang isang indibidwal na nagtamo ng head injury.

Nag-deploy din ang PRC ng mga asset at rescue equipment sa Bukidnon, Surigao Del Norte, Davao Oriental, at Zamboanga De Norte.

Patuloy naman na nakikipag-ugnayan ang PRC sa mga apektadong rehiyon at lokal na pamahalaan upang makapaghatid ng karampatang tulong. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us