Nagpasalamat ang Philippine Red Cross (PRC) sa lahat ng volunteers, staff, donors, chapters, at partners nito ngayong araw ng Pasko.
Sa mensahe ni PRC Chairman at CEO Richard Gordon, nagpasalamat ito sa dedikayon, katapatan, sakripisyo, at ang paglilingkod ng may malasakit ng mga volunteer at staff sa mga nangangailangan nating kababayan na nakaranas ng sakuna at kalamidad ngayong taon.
Umaasa rin si Gordon na mas maraming pang pagpapala mula sa Panginoon upang mas maging matatag ang bawat isa sa pagharap ng bagong taon.
Nagpaabot din ito ng taos pusong pagbati sa lahat ngayong araw ng Pasko. Ani Gordon, ito sana ay magsilbing panahon ng pagninilay para gumawa ng mabuti sa susunod na taon. | ulat ni Diane Lear