Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang tuloy-tuloy na partisipasyon ng bansa sa ‘Exchange for Students and Youth’ program kasama ang Japan at ASEAN.
Sa talumpati ng Pangulo sa Heart to Heart Partners across Generations na bahagi ng partisipasyon ng Chief Executive sa ASEAN – Japan Commemorative Summit, sinabi nitong mahalaga ang ganitong partisipasyon partikular sa hanay ng mga kabataang Asyano.
Sa ganitong klase ng pakikilahok sabi ng Chief Executive ay nabubuo ang ‘bonding’ at pagkakaibigan gayundin ang ‘mutual understanding’ sa hanay ng mga kabataang Asyano.
Partikular na tinukoy dito N=ng Punong Ehekutibo ang Japan-East Asia Network of Exchange for Students and Youths o JENESYS Program.
Nagpasalamat din ang Pangulo sa kabilang banda sa mga pagsisikap ng Japan sa pagpapalaganap ng iba pang kooperasyon at iba pang uri ng programang tulad ng “Sports for Tomorrow,” na aniya’y nagtataguyod ng kamalayan sa sports sa panig ng mga kabataan sa ASEAN, | ulat ni Alvin Baltazar