PNP Chief Acorda, extended ang termino ng mahigit 3 buwan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ngayon ng Malakanyang ang term extension kay PNP Chief General Benjamin Acorda Jr kasunod ng retirement nito kahapon, December 3 bunsod ng pagsapit ng 56 mandatory retirement age nito.

Sinabi ng Presidential Communications Office na hanggang March 31, 2024 ang term extension na ibinigay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Acorda.

Ginamit na basehan sa pagpapalawig ng termino ni Acorda ay ang Executive Order No. 136, series of 1999 na kumikilala sa kapangyarihan ng Presidente na palawigin ang serbisyo ng sinumang presidential appointee kahit lumampas na sa compulsory retirement age.

Si Acorda ay itinalaga ni Pangulong Marcos Jr. noong April 24, 2023 bilang ika-29 na PNP Chief.

Miyembro ng Philippine Military Academy Sambisig Class of 1991, si Acorda ay nasa PNP service na ng 37 taon. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us