Hindi magbababa ng kalasag ang Philippine National Police (PNP) kasabay ng ika-55 anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) ngayong araw.
Ito ay sa gitna na rin ng idineklarang dalawang araw na unilateral ceasefire ng Komunistang grupo mula kahapon hanggang ngayong araw.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo, dapat matuto na ang mga Pilipino sa mga naging aral ng nakalipas kung saan, patuloy sa pag-atake ang mga kalaban sa kabila ng tigil-putukan.
Mahalaga aniyang matiyak pa rin ang seguridad at kaayusan ng bansa lalo’t patuloy na ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang panahon ng Pasko.
Magugunitang siyam na NPA ang napatay ng Militar matapos ang nangyaring engkuwentro sa Malaybalay City sa Bukidnon kahapon. | ulat ni Jaymark Dagala