Posibleng paglipat ng lokasyon ng Kamara malapit sa Senado, sisimulan nang aralin ng binuong ad hoc committee

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpupulong ngayong araw ang binuong ad hoc committee para aralin ang mungkahi na ilipat ang Kamara sa BGC upang mas mapalapit sa Senado.

Ayon kay Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, chair ng naturang komite at pangunahing nagsusulong na lumipat ng lokasyon ang Kamara, layon nito na gawing mas episyente ang komunikasyon at koordinasyon sa pagitan ng Kamara at Senado.

“The rationale behind this plan to put the House and the Senate close to each other is meant to facilitate better communication and coordination among the lawmakers of both chambers with regard to legislative work,” sabi ni Villafuerte.

Kasalukuyang nasa Batasang Pambansa complex sa Quezon City ang Kamara habang nasa GSIS complex sa Pasay ang Senado, ngunit inaasahang lilipat na sa BGC.

Tinuran pa ng mambabatas na noon ay nasa iisang guasli lang ang dalawang kapulungan sa Old Congress Building na ngayon ay National Museum of Fine Arts na.

Siniguro naman ni Villafuerte na ikokonsidera sa gagawing pag-aaral ng komite ang accessibility ng transportasyon para sa lahat ng mambabatas, empleyado at magiging bisita ng Kamara.

Kasama rin sa magiging batayan ang lapit ng mga ahensya ng pamahalaan multinational corporation, mga negosyo lalo na ang access ng ordinaryong mga Pilipino sa kapulungan.

Idaraos ang unang pulong ng ad hoc commitee ngayong araw, December 11, ala-una ng hapon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us