PRC, tumulong sa clearing operation sa mga lugar na apektado ng pagguho ng lupa sa Nueva Vizcaya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Rumesponde ang Philippine Red Cross (PRC) matapos ang nangyaring pagguho ng lupa sa ilang lugar sa Nueva Vizcaya na dulot ng mga pag-ulan.

Nagpadala ang PRC Nueva Vizcaya Chapter ng payloaders upang tumulong sa lokal na pamahalaan sa clearing operations sa mga lugar na apektado ng landslides.

Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, kabilang sa mga nilinis ang CVR Bayombong-Masoc-Ambaguio Road kung saan isang lane na lang ang passable dahil sa pagguho ng lupa.

Sinabi naman ni PRC Secretary-General Dr. Gwen Pang, mahalaga ang agarang pagsasaayos sa naturang kalsada para sa mga vegetable grower sa pagde-deliver ng kanilang mga produkto sa Baguio at National Capital Region.

Tiniyak naman ng PRC na nakahanda ang kanilang mga asset at equipment sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang tumugon sa anumang kalamidad. | ulat ni Diane Lear

📷: PRC

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us