Nagkasundo kapwa sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Fumio Kishida na magkaroon ng mas mabilis na konklusyon hinggil sa Reciprocal Access Agreement o RAA.
Nagharap ang dalawang lider sa isinagawang Japan-Philippines Summit Meeting na isinagawa sa Prime Minister’s Office kasama ang kani-kanilang mga opisyales.
Kaugnay nito’y sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na malaki ang magagawa ng Reciprocal Access Agreement para mapanatili ang seguridad sa South China Sea.
Una dito’y kapwa sumang-ayon ang Pangulo at Punong Ministro na simulan na ang negosasyon sa reciprocal troop access deal na magpapalakas sa military cooperation ng Pilipinas at ng Japan.
Nangyari ito noong isang buwan partikular noong nag-state visit ang lider ng Japan sa Pilipinas.
Mayroon ding Reciprocal Access Agreements ang Tokyo sa Britanya at Australia. | ulat ni Alvin Baltazar
📸: PCO