Presyo ng noche buena items hindi dapat tumaas hangang sa huling araw ng 2023 ayon sa DTI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling iginiit ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi dapat magtaas ng presyo sa noche buena items hanggang sa huling araw ng 2023.

Ayon kay Trade Assistant Secretary Amanda Nograles. nakapako na ang presyo ng noche buena products hanggang matapos ang 2023 ayon sa mga manufacturers.

Dagdag pa ni Nograles na ang ginawa nilang price guide ay gabay lamang sa mga konsumer at walang parusang maipapataw sa mga hindi makakasunod nito.

Muli namang nanawagan si Nograles sa mga mamimili na ireklamo sa kanilang tanggapan ang mga brand o mga produktong pang-noche buena na lalagpas sa kanilang inilabas na price guide. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us