PSA,inilunsad ang information drive para turuan ang publiko tungkol sa ePhilID at PhilSys Check

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lalo pang pinaigting ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang information drive sa buong bansa para turuan ang mamamayan tungkol sa Philippine Identification System (PhilSys), partikular sa ePhilID at PhilSys Check.

Nagsasagawa ng house-to-house activity at isang program proper ang PSA—na nakatuon para ipabatid ang hinggil sa ePhilID, na may parehong functionality at validity gaya ng PhilID naka-print man o na-download.

Maging ang paggamit ng PhilSys Check, isang tool na maaaring i-verify ang pagiging tunay ng PhilID o ePhilID.

Kasabay ng info drive, nag-aalok din ang PSA ng registration at
issuance services ng ePhilID sa mga dadalo sa programa.

Sinabi ni PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, National Statistician and Civil Registrar General, matapos makamit ang 81 million registered person pinapalakas naman nito ang info drive at education activities.

PSA, inilunsad ang information drive para turuan ang publiko tungkol sa ePhilID at PhilSys Check.

Lalo pang pinaigting ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang information drive sa buong bansa para turuan ang mamamayan tungkol sa Philippine Identification System (PhilSys), partikular sa ePhilID at PhilSys Check.

Nagsasagawa ng house-to-house activity at isang program proper ang PSA—na nakatuon para ipabatid ang hinggil sa ePhilID, na may parehong functionality at validity gaya ng PhilID naka-print man o na-download.

Maging ang paggamit ng PhilSys Check, isang tool na maaaring i-verify ang pagiging tunay ng PhilID o ePhilID.

Kasabay ng info drive, nag-aalok din ang PSA ng registration at
issuance services ng ePhilID sa mga dadalo sa programa.

Sinabi ni PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, National Statistician and Civil Registrar General, matapos makamit ang 81 million registered person pinapalakas naman nito ang info drive at education activities.

Hanggang Nobyembre 17, pumalo na sa 42,406,247 ePhilIDs ang naibigay sa registered persons sa buong bansa, 1,312,047 sa mga ito ang downloaded na.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us