Muling nagpaalala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko na ligtas na ipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon upang maiwasan ang mga insidente ng sunog.
Ayon sa DILG, hindi lang ito panahon ng Christmas parties, family gatherings at out-of-own travels kundi panahon din na maraming fire-related incidents ang nagaganap dahil sa mga substandard electric decorations.
Kaugnay nito, naglabas ng ilang fire safety tips ang DILG o mga dapat tandaan at gawin para maiwasang maging biktima ng sunog lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan:
Kasama na rito ang Tiyaking may Philippine Standard (PS) mark or Import Commodity Clearance (ICC) sticker ang bawat Christmas lights.
Iwasan din ang octopus connection. Ugaliing i-unplug ang appliances pagkatapos gamitin.
Huwag iwanang nakasalang ang niluluto at suriin ang LPG tank at tiyaking walang tagas o singaw.
Tiyaking alam ang fire safety practices ng bawat miyembro ng tahanan at alamin din ang numero ng pinakamalapit na fire station. | ulat ni Merry Ann Bastasa